matinding pagbabago ng presyon sa makitid na rehiyon at dumadaloy sa pamamagitan ng simoy at iba pa, sanhi ng pagsabog o ng lawas na gumagalaw nang higit na mabilis sa tunog
sound barrier (sawnd bár•yer)
:
mataas na resistensiya ng ha-ngin sa sasakyang panghimpapawid at iba pa na gumagalaw sa tulin na halos simbilis ng hangin
sound recording (sawnd re•kór•ding)
1:
transkripsiyon ng habàng-alon túngo sa anumang imbakan
2:
permanenteng rekord ng musika at iba pang tunog
new wave (nyu weyv)
:
estilo ng musikang rock na naging tanyag noong mga hulíng bahagi ng dekada 1970, nagmula sa punk ngunit higit na sopistikado ang tunog at hindi gaanong agresibo ang pagtatanghal